Baston

June 26, 2012By 0 Comments

June 17 was an important day for my family. No, it wasn’t exactly a happy occasion but all the same my family back home got together to celebrate Father’s Day and what should have been the 95th birthday of our patriarch. While they did so, I was working away on a Sunday.

Not that I cared less. It was just that remembering that day, especially when it fell on Father’s Day, was for me always reliving unhappy moments. I prefer to recall happy and playful moments. After all, there are more, many more, of them.

A week after that, I was reminded of something I wrote a few years ago to capture in words some last moments, or I should just say, his death, and the emotions that went with it. I thought the piece could find home here. I wrote it in the form of poetry because emotions, circumstances and realities, no matter how ugly, banal, grave or wrenching they are, always find beautiful and poignant expression in poetry. (I’m no poet though, and have no ambitions to be one.) It’s in Tagalog, a language whose old and uncorrupted form I love and consider very expressive and sincere in its simplicity, hence befitting the subject of the piece, my first greatest love.

Baston

Ginising ng panaghoy ang diwang tulog
Hinaplos ang pisngi at kinusot ang pikit na mga mata
Sa pagkuyog ng katawan, umasang panaginip: maitim, mapanakot
Sa lalim ng gabi kumubli ang anino
Sa kislap ng madalang na mga bituin pilit na lumayo

Tumakbo, lumipad, sinaway ang pagtigil
Ngunit binasag ng mahapis na hiyaw ang pagkubli at katahimikan
At sa pagdilat ng mga mata, nakita ang tanikala ng bumubukadkad na katotohanan
Sa pagdaka pa’y humihip ang hanging dala ay lamig
Pumukaw sa diwang pilit kumakapit sa lumalaong dilim

Sinalat ang mukha sa pag-asang makawala
Sa tanikalang humihila sa gabi patungong umaga
Ngunit naroon ang buwan, saksi sa bangungot ng gabi
Nakita ang sarili sa liwanag, sariling maraming pagkakataon nang namataan sa isipan
Gigisingin ng hiyaw, yuyugyog sa pagtanggi sa narinig at sa nasalat na lamig, iinit at tutubig ang mga mata

Sa pagbukas ng pinto, sumilip ang ginaw na yakap ay balita
Panaghoy at ligalig, pagtakbo at pagpadyak ang natira sa kumukupas na gabi
Sinunod ang mga yapak, sa balkonaheng balot ng buwan humintil
Namnam ang malumanay na liwanag, ramdam ang haplos ng lungkot
At sa anino’y nakita ang malaon ng guni-guni, kasa-kasama’y luha na dumilig sa murang mga mata

Magigitla sa ihip ng hanging ligaw, lilisanin ang balkonaheng noo’y nahihimbing pa
Kakalabog ang dibdib, hihilain ang mga paa at manginginig ang kamay sa pagkapit sa malamig na pinto
Sisingaw ang amoy ng gamot, langis, pawis, pangamba at unos na nagbabadya
Sisilip sa kamang bumuo ng maraming alaala at ngayo’y tumatahimik na
Sisilip sa katawang umaruga, yumakap, kumalong at ngayo’y palisan na

Panaghoy at pagtangis, paghiyaw at paglayo
Hahabulin ang hininga, hahanap ng lakas sa pagkuyom ng kamao
Sa gambala ng gabi at pangamba ng mga gumigiliw ay tahimik ang buwan
Wari’y hindi nadama, hindi narinig ang hilahil na tangan
Sa pagkupas ng matimyas na liwanag, tinapik ang diwa, sinundan muli ang mga paa

Salat sa buhay ang sumunod na tagpong dinatnan
Sumisigaw, balisa ang naghaharing katahimikan
Walang galaw ang anyo, walang himyas ang hampas ng hangin
Sumasayaw ang mga sanga, tumutungo na wari’y nananalangin
Minasdan ang anyo, sinipat ang mukhang nilisan ng ngiti at pait

Sumikdo ang dibdib, bumara ang lalamunan
Tumalos ang lamig sa paang walang saplot
Hinanap, tinawag ang bathala’t mga santo na tanan
Sa kawalan ng tugon, tumangis sa pag-ikot ng sanlibutan
Sa pagkapa ng isang hininga, dumighay ang isang paglisan

Filed in: bahay kubo Tags:

About the Author ()

A hen living in a city away from her original nest. Lived 15 years of her life a stone’s throw away from the sea but swims worse than a cat. Almost named Maria Banana by her mother (yet to figure out if it was a joke). Proud promdee but loving the city. Making a living churning out pieces. Wondering if her day-to-day routine has started giving her some psychedelic effect (“Purple haze all in my eyes. Don’t know if it’s day or night”). Loving life nonetheless. Loving mudraxhood, loving her Cello, day and night!

Leave a Reply